Agarwood (Aquilaria Crassna) seedling ~1ft

Agarwood (Aquilaria Crassna) seedling ~1ft

Regular price ₱1,000.00 ₱950.00 Sale

Top of the line - king of agarwoods: Aquilaria Crassna
~1ft plants propagated from seeds
--
Agarwood
Generic term para sa mga kahoy o punong kahoy na nagpoproduce ng agar resin. Habang lumalaki ang puno, tinutubuan ito ng fungus. Parasite ang fungus at sinisira ang tanim, kaya bilang self-defense, nagpoproduce ito ng resin para magamot ang mga infected areas. Kapag naghilom ang sugat, nangingitim at nagiging agarwood.
Dahil rare material ang agarwood, umaabot ito sa $100,000 USD per kilo. Ito ang pinakamahal na kahoy sa mundo.
Marami ang nagkainteres magtanim, at naglipana rin ang mga nagbebenta ng "agarwood." 8 out of 15 agarwood varieties lamang ang kilalang kaya magproduce ng resin, at nangunguna rito ang "aquilaria mallacensis"
Ganito po ang dahon ng tunay na aquilaria malacensis, naka interval. Ang variety na ito ay mas responsive sa fungal attacks kumpara sa ibang variety ng aquilaria.
Trivia:
Para mapabilis ang production ng agar resin, kailangang ng innoculation ng specific fungi para magreact ang halaman. Kapag nasa 6-8 inches na ang diameter ng puno, pwede na turukan ng fungus. Ang mga ito ay pwede gamitin na innoculant:
Aspergillus, Fusarium, Penicillium, at Fungi imperfecti.