Sweet Dwarf Mango Seedling (Multiple Rootstock)

Sweet Dwarf Mango Seedling (Multiple Rootstock)

Regular price ₱2,500.00 ₱2,450.00 Sale

Sweet Dwarf Mango Seedling (Multiple Rootstock), lab cultured, non-GMO. Average fruits weight is around 300 grams (3-4 fruits per kilo).

Features:

  1. Ready to transplant na ang mga seedlings. Nakakapit na sa lupa mga ugat.
  2. Fast fruiting - within 1 year nagbubunga na! (Usually 4-8 months lang)
  3. Continuous fruiting - hindi sabay kung iharvest mga bunga.
  4. Off season fruiting - kahit off-season ng ibang variety ng mangga, meron pa rin itong bunga at mas marami pa. Lalo na kapag tag-ulan na mahal ang manga, kaya may leverage kayo sa market.
  5. No need inducer/spray - kusa itong nagbubunga kaya makakatipid kayo sa overhead costs ng sodium nitrate spray (lason yun at ang mahal pa!)
  6. Mas resistant sa peste at mga sakit, kumpara sa carabao mangoes.
  7. Kahit hindi na balutin ang mga bunga kasi hindi naman masyadong nakaka-aattract ng peste ang amoy ng mangga kaya tipid sa labor ng production.
  8. Pwede ito sa organic farming
  9. Dwarf variety - pwedeng kontrolin ang paglaki - hindi na kailangang akyatin upang mamitas. Easy harvest, pwede sa Mango Fruit picking tourism!
  10. Kahit green pa lang bunga manamis-namis na. Mainam kainin na manibalang (medium ripe).
  11. Hindi ito fibrous kaya premium quality ang flesh.
  12. Manipis lang ang buto nito, kaya mas marami ang laman.
  13. Dahil maliit lang ito, kahit sa paso pwedeng itanim. Pwedeng ilagay sa terrace, sa rooftop, pwedeng palipat-lipat ng pwesto. Pwedeng isilong kapag may bagyo.
  14. Dahil parang shrub lang ito, napakagandang gawing landscaping material, pampaganda sa home garden, sa front lawn, sa backyard, sa mga open public spaces. Complementary sa ornamental plants.
  15. Planting distance: 10 meters apart (regular spacing), 5 meters apart (high density), yung normal na manga 10-20 meters - kaya maximized talaga yung space mo. Mas marami kang maproduce na bunga / square meter.
  16. Pwede syang iintercrop sa ibang mabababang tanim sa unang limang taon.
  17. At dahil hindi stressed ang tanim sa inducer na pinipilit mgbunga, at iba pang kemikals, matagal po ang nagiging buhay ng mangga. Centennial crop ang mangga at kayang mabuhay ng mahigit 100-taon. Maipapamana ninyo hanggang sa inyong mga apo sa daliri sa paa!
  18. Kahit maulanan mga bulaklak, hindi basta-basta napupuspos. Tuwing tag-ulan nga siya mas maraming naibubunga. 
  19. Mapakadali nitong alagaan,at hindi ito maselan, parang ornamental plant lang. Compatible ito sa wide range ng soil pH level (5.5 - 7.5). 
  20. Dahil konti pa lang ang producers at mababa ang supply ng mangga sa tag-ulan, may edge kayo sa market!
  21. Hindi naman mabibili ang saya - nakakatanggal ito ng stress lalo pag may mga bunga na.
  22. Habang tumatagal, tumataas ang value ng halaman na ito. Hindi katulad ng gadget na nagdedepreciate paglipas ng panahon, ang mangga ay nag-aapreciate ang value sa katagalan.
  23. Available nationwide, we deliver po saan man sa Pilipinas! (via LBC, cash on delivery or cash on pickup)

Regular Seedling: ~2.5 ft